SONA speech ni Pangulong Duterte posibleng tumagal dahil sa adlib

SONA speech ni Pangulong Duterte posibleng tumagal dahil sa adlib

July 19, 2018 @ 4:07 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Asahan nang maga-adlib si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang magiging talumpati para sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 23.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na bagama’t  aabutin lamang ng 35 minuto ang “prepared speech” ni Pangulong Duterte ay hindi pa rin maiiwasan na may sasabihin ang Chief Executive na wala sa kanyang speech gaya ng ginawa sa nagdaang dalawang SONA.

Mas nararamdaman daw aniya ngayon ng taumbayan kung galing sa puso o wala sa script ang sinasabi ni Pangulong Duterte.

Mismong si Pangulong Duterte umano ang nagsabi sa kanilang Cabinet meeting na babasahin nito ang kanyang talumpati sa SONA.

Kaugnay nito, ngayong darating na Linggo, Hulyo 22 ang rehearsal day ni Pangulong Roa Duterte para sa kanyang ikatlong SONA.

Kinabukasan, Hulyo 23 ang aktuwal na petsa ng Ulat Sa Bayan ng Pangulo sa Batasang Pambansa Complex sa Lungsod ng Quezon.

“Sunday ang rehearsals ng pangulo para sa SONA kinabukasan,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi naman ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na sa Malakanyang lang magsasanay ng kanyang SONA speech ang Punong Ehekutibo.

Asahan namang magkikita sina Pangulong Duterte at Direk Binibining Joyce Bernal sa linggo para sa nasabing rehearsal ng Punong Ehekutibo. (Kris Jose)