Soprano Diva, kabado sa nominasyon!  

Soprano Diva, kabado sa nominasyon!  

November 27, 2020 @ 6:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Excited na ang international Soprano Diva na si Kathy Hipolito Mas sa kanyang nomination sa 2020 Aliw Awards sa ketogoryang Best Female Classical Performer of the Year.

 

Bale ikalawang magkasunod na taon nang nominated si Kathy sa same category.

 

“Masaya na ako na ma-nominate for two consecutive years. 

 

“But I must admit na kahit pangalawang beses ko na ang nomination, e, kinakabahan pa rin ako,” sabi pa niya.

 

Para kay Kathy at sa mga nagmamahal sa kanya, isang blessing na matatawag kung manalo siya this year.

 

Sabi pa ni Kathy: “God bless us and congratulations to all! Thank you for your undying love and support.”

 

Ang Aliw Awards 2020 ay live na gaganapin sa Manila Hotel on December 8, 2020. Noel Asinas


  •  
  •  
  •  

Loading...