Soriano inalok ng pwesto bilang press secretary

Soriano inalok ng pwesto bilang press secretary

October 5, 2022 @ 2:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng direktor na si Paul Soriano ngayong Miyerkules, Oktubre 5 na isa siya sa napipisil bilang kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles bilang press secretary matapos itong magbitiw sa pwesto kahapon.

Sa kabila nito, tahasan niyang sinabi na mas makabubuti umano para sa kanya ang sumuporta sa administrasyon ng “behind the scenes.”

“Yes, there was a conversation, but I feel that the position needs more qualified people to help the President,” ani Soriano sa panayam ng ABSCBN.

“I can be of better service behind the scenes working with the President’s media and communications team,” dagdag pa niya.

Matatandaan na naging matunog ang pangalan ni Soriano at asawa niyang si Toni Gonzaga na mainit na sumuporta sa kandidatura ni ngayon ay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ngayong taon, kung babalikan ay inilantad rin ni Soriano na siya ay pamangkin ni First Lady Lisa Araneta-Marcos. RNT/JGC