Sorpresa ni Pangulong Duterte sa SONA, dapat abangan-SAP Go

Sorpresa ni Pangulong Duterte sa SONA, dapat abangan-SAP Go

July 22, 2018 @ 8:13 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines -Makabubuting abangan na lamang ng lahat kung may sorpresa o pasabog si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) bukas, Hulyo 23 sa Batasang Pambansa sa Lungsod Quezon.

Palagi namang may sorpresa ang Pangulo kaya’t iyon ang dapat abangan ng lahat sa SONA nito.

“I’m sure, ang Pangulo natin is always full of surprises. So, abangan nyo na lang po ito at sigurado po ako na una ang kapakanan ng mamamayang filipino,” ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Ang importante aniya ay galing sa puso ang magiging talumpati ng Chief Executive sa kanyang Ulat Sa Bayan.

Sinabi nito na mababanggit ng Pangulo sa kanyang SONA ang tungkol sa ilegal na droga kriminalidad, BBL at iba pa.

May practice ngayon sa Malakanyang ang Pangulo para sa kanyang SONA.

Posibleng lumampas ng 35 minuto ang talumpati ng Pangulo lalo pa’t kapag may gusto itong banggitin na iba.

“Magbabasa siya definitely speech. Daming laman ito at tutuparin niya mga pangako niya dito. Federlism most likely mababanggit pero ayaw ko na detalye ‘yon,” ayon kay Go. (Kris Jose)