“Sorry, God” ni Pangulong Duterte, malaking bagay  –  CBCP

“Sorry, God” ni Pangulong Duterte, malaking bagay  –  CBCP

July 12, 2018 @ 3:53 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inihayag ng isang Catholic priest na malaking bagay para sa mga lider ng Simbahang Katoliko ang pagso- ‘Sorry God’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Father Jerome Secillano, isang napakalaking bagay para sa simbahan na dumating sa ganitong reyalisasyon ang pangulo, at siya pa mismo ang humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa.

Nauna rito, sa isa sa kanyang mga talumpati ay tinawag na estupido ng pangulo ang Panginoon na umani ng mga batikos sa mga mananampalataya.

Malaunan naman ay nag-sorry sa Panginoon si Pang. Duterte nang makipag-usap ito kay Jesus is Lord (JIL) leader Brother  Eddie Villanueva.

Ayon naman kay Secillano, ang paghingi ng paumanhin ng pangulo sa kanyang ginawa ay isang magandang hakbang rin patungo sa tamang direksyon.

Si Secillano ay siyang executive secretary ng Public Affairs Committee ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). (Macs Borja)