Sorry ng World Bank sa sistema ng edukasyon sa Pinas, welcome kay PRRD

Sorry ng World Bank sa sistema ng edukasyon sa Pinas, welcome kay PRRD

July 13, 2021 @ 8:31 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Welcome kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghingi ng paumanhin ng World Bank para sa hindi sinasadyang paglalathala ng kontrobersiyal na ulat ukol sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay sinabi ni Pangulong Duterte na ang international organizations gaya ng World Bank ay kailangan lamang na maging maingat sa kanilang pag-uulat.

“Well, I would not want to begrudge World Bank but itong mga international whatever bodies working on the problems of the world should be very careful in their statistics. It is not good to commit a wrong internationally. But good as any, we welcome their apology,” ayon sa Pangulo.

Inamin ni Pangulong Duterte na matagal nang umiiral ang problema ng bansa pagdating sa edukasyon, mahirap aniya itong lutasin dahil sa kakulangan sa pondo.

“You know, sa totoo lang, mahirap lang kasi talaga tayo. We are third world country, classified as one. Ang mahirap sa atin is always the constraint of money. Eh kung may pera talaga sana tayo, kung maganda lang ang ating ekonomiya and we’re earning just this much, we could have improved on the governance of all departments, all facets of governance,” ayon sa Chief Executive.

“Ang problema nito wala masyadong tayong pera. But what we have is enough to what you see now, that is the only thing that money can afford, nakikita ninyo ngayon,” dagdag na pahayag nito.

Giit ng Pangulo, makapapantay aniya ang Pilipinas sa ibang bansa kung sapat lamang ang pondo nito.

“Kung may pera sana marami , then we could have upgrade everything to compete or reach in parity with the other, mga first class countries,” ani Pangulong Duterte.

“We will just work on it. I hope the next administration will be more competent than us now, more bright than us now and more productive than us now,” aniya pa rin.

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Duterte si Education Secretary Leonor Briones sa pagkalampag nito sa naging report ng World Bank.

Para naman kay Briones, hindi madali para sa isang makapangyarihang institusyon gaya ng World Bank ang humingi ng paumanhin subalit nagawa nito matapos na i-recognize ang mga puntong inilatag ng DepEd.

Kaya masasabi aniyang ang isyu ay lutas na .

Sa ulat, may isang pag-aaral na tinatawag na “Improving Student Learning Outcomes and Well-Being in the Philippines: What Are International Assessments Telling Us? (Vol.2): Synthesis Report Presentation” ang nagsabi na 80 porsiyento ng mga estudyanteng filipino ay “fall below the minimum level of proficiency” para sa kanilang grade levels.

Ang report ay inilathala noong Hunyo 29 na agad namang pinalagan ng DepEd dahil sa paggamit ng outdated information, at ang kagyat naman na paghingi ni Briones ng public apology.  Kris Jose