Sotto, 36ers silat sa Kings

Sotto, 36ers silat sa Kings

February 27, 2022 @ 12:27 PM 4 months ago


MANILA, Philippines — Nalasap ni Kai Sotto at ng Adelaide 36ers ang mapait na kabiguan laban sa Sydney Kings, 90-93, sa Adelaide Entertainment Center ngayon araw ng Linggo.

Matapos magsagupa sa dikdikang laban kontra Kings, naisalpak ni Jaylen Adams ang dagger na three-pointer upang basagin ang 90-all deadlock may apat na segundo na lang ang natitira sa orasan.

Ang shot ni Adams ang naging panalo sa laro dahil nabigo si Daniel Johnson na mag-convert sa kanyang shot sa susunod na possession.

Hindi rin maganda ang naging laro ni Sotto sa naging  pagkatalo dahil nagtapos lamang siya ng dalawang puntos at steal sa 11 minutong paglalaro para sa 36ers.

Limang magkakaibang manlalaro ng Adelaide ang umiskor sa double-digit na scoring upang manguna sa opensa.

Pinangunahan ni Dusty Hannahs ang lahat ng scorers para sa 36ers sa kanyang 24 markers mula sa bench.

Para sa Kings, si Adams ang nanguna sa scoring column na may 26 puntos.

Mayroon din siyang pitong assist at isang rebound.

Nakuha ng 36ers ang kanilang ikalawang sunod na na pagkatralo at lumagapak sa kartadang 5-9 habang ang Kings ay umangat sa 10-7.Rico Navarro