Sotto, Adelaide silat sa  Melbourne sa ika-5 sunod na pagkatalo

Sotto, Adelaide silat sa  Melbourne sa ika-5 sunod na pagkatalo

January 22, 2023 @ 12:05 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Tuloy ang pagkalumogk ng koponan ni Kai Sotto na Adelaide 36ers matapos nilang malasap ang pang-limang sunod na pagkatalo sa Melbourne United, 94-87, sa Adelaide Entertainment Center sa 2022-23 NBL season noong Sabado.

Lumaban ang 36ers mula sa 11 puntos tambak sa final salvo para makaabot sa dalawang puntos, 87-89, mula sa dunk ni Antonius Cleveland na 1:55 ticks ang natitira sa ball game.

Ngunit sumablay ang natitirang shots ng Adelaide habang nangibabaw si Rayjon Tucker ng Melbourne upang talunin ang gutom sa panalo na 36ers.

Nag-spark ng 11-2 run ang  jump shot ni Sotto sa nalalabing 4:02 kasama ang dunk ni Cleveland.

Nagtapos si Sotto na may 15 puntos sa isang mahusay na 6-of-9 shooting clip para sumabay sa pitong board at isang block sa losing effort.

Nagtapos si Robert Franks na may 24 markers, 10 rebounds, anim na assists, isang steal, at tatlong block para pamunuan si Adelaide na bumagsak sa 11-14.

Nanguna si Chris Goulding para sa Melbourne na may 28 markers at dalawang rebounds habang nagtapos si Tucker na may double-double na 25 puntos, 10 boards, at tatlong assists. Ang Melbourne ay nanalo ng limang sunod na laro at umunlad sa 14-12 para sa taon.JC