Sotto, Dragonflies wagi muli vs Ibaraki

Sotto, Dragonflies wagi muli vs Ibaraki

March 19, 2023 @ 5:11 PM 1 week ago


MANILA, Philippines — Tumirada si  Kai Sotto  ng 14 points, nine rebounds, three assist at two blocks para sa magkasunod na panalo ng Hiroshima Dragonflies sa kanilang road games kontra sa Ibaraki Robots sa 2022-23 Japan B. League season sa  Adastria Mito Arena ngayon Linggo.

Nagtapos ang laban sa iskor na 87-83 para sa ikatlong sunod na panalo ng Hiroshima kasama si Sotto.

Ginamit ng 7’3″ big man  ang kanyang oras sa pamamagitan ng depensa, jump shot at ilang dunk para sa maaksiyong laban sa B-League.

Dahil sa panalo nag-imprub ang Hiroshima sa kartadang 30-11 o pang-lima sa standing sa liga.

Halatang hirap ang Ibaraki sa opensa kapag nasa loob ng paint si Sotto bilang rim protector.

Hindi tulad ng unang paghaharap nila kung saan umiskor si Sotto ng 21 points, nalimitahan lang nila sa 14 points si Sotto sa kanilang pangalawang bakbakan.

Dahil pagod na, kahit medyo tagilid pa ang koponan sa tiyempong 3 minuto, ay inilabas na si Sotto at hindi na ipinasok swerte naman ang naging mainit rin ang shooting sa 3s ng kanyang mga kakampi.

Nangako naman si Sotto na mas pagbubutihin pa niya ang paglalaro para makamit ang pangarap na NBA.RCN