Sotto hindi kalilimutan ang pangarap ng NBA

Sotto hindi kalilimutan ang pangarap ng NBA

October 11, 2022 @ 11:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumalik na ang Adelaide 36ers sa Australia pagkatapos ng matagumpay na 2-1 na kampanya laban sa mga American team, na nakakuha ng dalawang panalo laban sa Overtime Elite at sa Phoenix Suns, bago sumuko sa Oklahoma City Thunder.

Sa Instagram, nag-post si Kai Sotto ng gallery ng mga kuha mula sa OKC home court.

“Staying patient and keeping the faith; it’ll all be worth it in God’s timing,”isinulat niya sa caption.

Hindi naka-iskor si Sotto nang igupo ng OKC ang 36ers, 131-98. Naglaro lamang siya ng siyam na minuto, nag-ambag ng apat na rebounds para sa Adelaide sa kanilang huling laro sa NBAxNBL.

Sa kabila ng pagkatalo, nakita ni 36ers coach CJ Bruton ang exhibition games bilang “sobrang halaga” na karanasan para sa kanyang koponan.

“Para sa aming mga manlalaro na makipagkumpetensya laban sa mga elite at ipakita ang aming talento at makita ang talento na nasa buong mundo – ito ang pinakamahusay na liga sa mundo,” sabi ni Bruton.

Pinuri ni Bruton ang katapangan ng kanyang koponan, na patuloy na lumaban kahit na na-overwhelmed sa first half.
Idinagdag ng coach: “It’s a dream come true for a lot of our guys. [T]hey probably only got to play against them on 2K.”

Sisimulan ng Adelaide ang 2023 season sa isang laro sa Huwebes, Oktubre 13 laban sa Tasmania JackJumpers. Ito ang ikalawang season ni Sotto sa koponan ng Australia.RICO NAVARRO