Sotto, Pangilinan: Sentimyento ng publiko maaari pang magbago sa 2022 elections

Sotto, Pangilinan: Sentimyento ng publiko maaari pang magbago sa 2022 elections

July 14, 2021 @ 7:45 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Para kina Senate President Vicente Sotto III at Senator Francis Pangilinan mababago pa ang sentimyento ng publiko habang papalapit ang elekskyon sa 2022.

Ito ay matapos manguna sa isang survey sina Davao City Mayor Sara Duterte at President Rodrigo Duterte sa mga nais maging kandidato sa pagka-pangulo at pagka-bise-presidente.

“Maaga pa. Mula pa nung 1992, halos lahat ng mga lumalamang sa umpisa sa mga survey sa nakaraang mga [presidential] elections, hindi nananalo. So malaking posibilidad na magbabago pa ang sentimyento ng mamamayan,” ani Pangilinan sa isang mensahe.

Para naman kay Sotto, dapat hindi pinagsama ang presidential at vice presidential categories sa survey.

“Amusing. I’m quite versed with surveys. A more accurate reading would be better if there are no 15 names listed in both categories. Names are scrambled in both,” aniya.

“Let’s wait for the survey when all names are already candidates and not scrambled in both categories. Then it can be used as a guide and not just amusing,” giit ng senador.

Pumangatlo si Sotto sa vice presidential bet sa parehas na survey. RNT/ELM