Sotto patuloy ang paglakas ng laro sa NBL

Sotto patuloy ang paglakas ng laro sa NBL

January 29, 2022 @ 11:05 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ng laro ni Kai Sotto sa National Basketball League (NBL) matapos itong kumana ng perpektong shooting performance sa kanilang naging pagkatalo kontra sa Tasmania JackJumpers, 76-71.

Sumalpak ang tinaguriang 7-foot-2 wunderkind ng 12 puntos sa 100-percent shooting mula sa field kasama ang dalawang rebound at isang block sa loob lamang ng 16.5 minutong aksyon.

Dahil sa pagkatalo lumagak ang 36ers sa kartadang  3-6 at dumausdos sa pag siyam na pwesto.

Nanguna sa 59-52 sa simula ng payoff period, biglang nawalan ng focus si Adelaide at nagbigay ng ilang pagkakataon sa JackJumpers, na pinutol ang deficit kasunod ng limang sunod na puntos mula kay Josh Magette para buksan ang quarter, 60-57.

Naisapak pa ng 19-anyos na si Sotto ang isang dunk, 62-60, ngunit kinuha ng Tasmania ang pangunguna matapos ang 11-7 run umalagwa sa iskor na 71-69.

Nagtapos si Cameron Bairstow ng 36ers na may double-double na 11 puntos at 17 rebounds.

Susubukin ng Adelaide na tapusin ang kanilang kamalasan sa Linggo sa pagharap nito kontra sa nangungunang Melbourne United sa Linggo.Rico Navarro