Sotto sa FDCP: Movie production ‘di n’yo sakop

Sotto sa FDCP: Movie production ‘di n’yo sakop

August 4, 2020 @ 8:14 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinalagan ni Senate President Vicente Sotto III ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at sinabing hindi na dapat pa nilang panghimasukan ang production process ng mga pelikula sa gitna ng pandemic dahil hindi naman ito mandato sa kanila.

“Ang mandate ng FDCP are for films thereafter. Wala silang pakialam sa post-production or production, walang pakialam,” saad ng senador.

“It is nowhere in the mandate of the Film Development Council of the Philippines. And why did they (stakeholders) approach me? I am the author and the principal sponsor of the creation of the FDCP and therefore they were asking me, ‘Ano ba ito? Nasa power ba nila ito na makialam sa amin?’ Wala.”

“So nilinaw ko at pinaalam ko sa kanila, medyo huwag tayong nago-overstep at huwag tayong, ika nga ay hindi naman natin trabaho eh pinapasukan natin, nababagabag ‘yung mga movie producers,” dagdag pa nito.

Samantala, ipinaliwanag ni FDCP chairperson Liza Diño na ang joint administrative order (JAO) ay para lamang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng film production crews ngayong COVID-19 pandemic. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...