Sotto sinita ni Villar sa pag-bypass sa agri smuggling probe
April 12, 2022 @ 5:31 PM
2 months ago
Views:
358
Remate Online2022-04-12T16:18:20+08:00
MANILA, Philippines – Inakusahan ni Senador Cynthia Villar nitong Martes si Senate President Vicente Sotto III ng “bypassing” sa kanya bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food nang bumuo ang Senado ng Committee of the Whole para imbestigahan ang paglaganap ng smuggled agricultural products sa merkado ng Pilipinas.
Mainit ang palitan ng mga mambabatas sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado ngayong Martes nang sabihin ni Villar na ayaw imbitahan ng panel si ACT-CIS Party-List Representative Eric Go-Yap, na siya ring itinalagang caretaker ng congressional district ng Benguet.
Nauna nang kinastigo si Yap ng League of Association sa La Trinidad Vegetable Trading Areas dahil sa umano’y “hindi pagkilos” sa isyu ng smuggling sa lalawigan.
Binanggit din siya sa nakaraang pagdinig bilang isa sa mga pulitiko na sangkot umano sa smuggling.
“Si Congressman Eric Yap… sabi niya gusto niyang dumalo sa pagpupulong pero ayaw nila siyang imbitahan. Kaya paki-klaro niyan sa komite,” ani Villar.
Sa pagtugon kay Villar, sinabi ni Sotto na walang pormal na kahilingan na maimbitahan siya.
Ngunit sinabi ni Villar na dapat bigyan ng “courtesy” si Yap dahil isa rin itong incumbent member ng House of Representatives.
Iginiit niya na ayaw ng panel na maimbitahan si Yap, na nagmumungkahi na dapat payagan ang kongresista na dumalo sa pagdinig kahit sa pamamagitan ng video conferencing.
“We can invite him. Hindi naman ho nakarating sa amin. Walang nagsabi sa committee na gusto niyang umattend…At ‘yung ayaw siyang imbitahin ay iba ‘yung hindi siya inimbita…Hindi totoo ‘yung ayaw siyang imbitahin. I hope nobody claims that kasi wala naman kaming sinasabing bawal dito e,” sagot ni Sotto.
“At saka, kung gustong maimbitahan ni Congressman Eric Yap, dapat ipaalam niya sa Committee of the Whole, hindi miyembro,” he went on.
Sa puntong ito, binanggit ni Villar na “na-bypass” ng Committee of the Whole ang kanyang komite sa pagsasagawa ng pagdinig sa agricultural smuggling.
“Kanina lang niya ako tinawagan at hindi naman siguro masama na tatawagan niya ako. I’m just manifesting because in the first place, itong agricultural smuggling is part of the committee on agriculture. I didn’t mind that the committee on agriculture… I didn’t mind that you formed the Committee as a Whole and bypassed me but, you know, if somebody calls me and he wants to be invited, I will tell you. Dahil kung tutuusin, ako ang chairman ng the committee on agriculture,” sabi ni Villar.
Sinagot naman ni Sotto ang pahayag ni Villar na siya ay na-bypass ng komite, ipinaliwanag na ang problema sa smuggling ng gulay ay kasama rin ang mga isyu sa Bureau of Customs, at iba pa.
“I take exception to the words saying that we bypassed you. We didn’t bypass you. Ang Committee of the Whole ay ipinatupad, na-institutionalize noong panahon na ito ay nasa plenaryo pagkatapos ng aking privilege speech dahil may iba pang isyu maliban sa agrikultura na ay sangkot, partikular ang smuggling at sa katunayan, sumang-ayon ang blue ribbon committee,” sabi ng Senate President.
Bilang tugon, sinabi ni Villar na hindi niya naman ang pag-bypass ng Committee of the Whole ang kanyang pangunahing concern.
“I don’t mind if you formed the Committee as a Whole. I don’t mind. I am always attending,” aniya pa.
“I’m just manifesting that somebody called me and he wanted to be invited. So I’m telling you. After all, I’m the chairman of the committee of agriculture,” dagdag pa ng senadora.
Para ayusin ang pag-aalala ni Villar, sinabi ni Sotto na aanyayahan ng panel si Yap para ipaliwanag ang kanyang panig sa mga isyung ibinabato laban sa kanya, ngunit iginiit niya na walang na by-pass ang Committee of the Whole.
Sa huling bahagi ng pagdinig, hiniling ni Sotto kay Yap, na dumalo online, na sabihin ‘on record’ na wala siyang pormal na kahilingan na maimbitahan sa pagdinig.
Nilinaw ni Yap na hindi niya inakusahan ang panel na hindi siya iniimbitahan na dumalo sa imbestigasyon.
“I am very sorry, Mr. chair. Wala akong sinabi na hindi ako ini-invite. I [sought] the help of brother ko baka puwedeng masagot ko ‘yung mga issues na binabato politically tungkol sa akin,” ani Yap.
“I’m very sorry if nagkaroon ng lost [in] translation …but it is never my point na ayaw ako imbitahin. I am just the one who is asking the help of other senator na ma-invite ako,”paliwanag pa ng mambabatas. RNT
June 25, 2022 @5:00 PM
Views:
31
Bulacan- Patay ang isang lalaking nanloob ng isang covenience store na pumalya ang baril sa mga rumespondeng pulis habang nakatakas ang kanyang kasamahan sa bayan ng Paombong.
Sa inisyal report ng Paombong police, bandang alas-3:10 ng madaling araw nitong Hunyo 25, naganap ang panghoholdap ng dalawang hindi nakilalalang lalaki sa Alfamart sa Brgy.San Isidro 1.
Ayon sa report ng pulisya, isang tawag sa cellphone ng store crew ang kanilang natanggap na nagsabing nilooban sila ng dalawang lalaki na kapwa armado ng baril.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa maabutan ang dalawang lalaking nagmamadaling lumabas sa naturang tindahan.
Sa pagmamadali, naiwanan ng isang suspek lulan ng motorsiklo ang kanyang kasamahan na nagtatakbo palayo.
Nang mag-abot sa ‘di kalayuan ay tinutukan at sinubukang nang tumatakbong suspek na kalabitin ang gatilyo ng baril sa mga tumutugugis na pulis subalit nag-jammed ito.
Dahil dito, mabilis na pinaputukan ng pulis ang suspek na napuruhan at agad na namatay sa gilid ng kalsada.
Siinusulat ito patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek. Dick Mirasol III
June 25, 2022 @4:47 PM
Views:
36
MANILA, Philippines- Nag-usap sina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion at Quezon City Mayor Joy Belmonte sa “Negosyo 3M” program event sa SM North Edsa the block, nitong Sabado.
Ang Go Negosyo ay adbokasiya ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) upang tugunan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng entrepreneurship. Danny Querubin
June 25, 2022 @4:45 PM
Views:
32
MANILA, Philippines- Nais ni incoming Migrant Workers Secretary Susan Ople na magkaroon ng joint agreement sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang maiwasan ang overlap sa awtoridad.
Sinabi ni Ople na nakipag-usap na siya kay incoming Labor chief Bienvenido Laguesma upang bumuo ng joint department order na maglilinaw kung aling departamento ang may hurisdiksyon kapag nag-intersect ang OFW at labor concerns.
“Kanino kukuha ng order, kasi doon nagkaproblema. Sino ba susundin namin? ’Yun aayusin namin ’yon,” aniya nitong Sabado.
Matatandaang nitong Abril ay nagkairingan ang Department of Migrant Workers (DMW) at DOLE ukol sa deployment ng Filipino workers sa Saudi Arabia, na mitsa ng kalituhan sa mga manggagawa.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 2021 ang pagbuo ng DMW,isang departmento na nakalaan para sa kapakanan ng migrant workers at mga Pilipino sa ibang bansa. RNT/SA
June 25, 2022 @4:30 PM
Views:
32
MANILA, Philippines- Iginiit ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) nitong Sabado na walang awtoridad ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang ilang news websites base sa hiling ng National Security Adviser.
Sinabi ng IBP na ang NTC “cannot restrict access” sa mga miyembro ng media batay sa alegasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, at inilarawan ang aksyon na “drastic” at isang “shortcut” upang patahimikin ang press.
“To take down the websites is to muzzle their owners. Such a drastic move can’t be anchored on statements that in court would be treated as hearsay,” pahayag ng IBP.
“Neither may it extend the scope of the Anti-Terrorism Council’s designation order to ‘affiliates’ at the barest invocation of terrorism,” dagdag nito.
Matatandaang hiniling ni Esperon sa NTC na i-block ang websites na may kaugnayan umano sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kung saan kabilang ang websites ng mga progresibong grupo at independent media.
Saklaw ng NTC order, na may petsang Hunyo 8, ang halos 30 websites, kabilang na ang kay CPP’s founding chairman Jose Maria Sison at ang Philippine Revolution Web Central.
Kasama rin ang mga sumusunod na websites sa listahan: Save Our Schools Network, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Pamalakaya Pilpinas, Bulatlat at Pinoy Weekly.
Pinuno naman ng news outfits ang NTC at si Esperon, at sinabing wala man lamang due process bago i-block ang mga website.
“The [National Security Council’s] letter-request, bereft of legal basis, only serves to embarrass the outgoing administration,” ayon sa IBP.
“The Supreme Court has already affirmed the constitutionality of [Anti-Terrorism Act’s] designation process. The NSC is encouraged to use the fruits of this victory and file the proper cases and requests for designation instead of resorting to censorial shortcuts,” dagdag ng grupo. RNT/SA
June 25, 2022 @4:15 PM
Views:
43
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine military nitong Sabado na sa kabila ng shadowing at radio challenges mula sa Chinese Coast Guard vessel, ang Western Command (WESCOM) “successfully rotated troops and reprovisioned the beached BRP Sierra Madre (LS 57) in the Ayungin Shoal.”
Nadala rin ang mga suplay sa Ayungin detachment sakay ng indigenous boats na Unaizah Mae 2 at 3 mula Hunyo 20-22, 2022.
Nakarating na rin ang bagong batch ng mga tauhan sakay ng Sierra Madre, upang siguruhin ang presensya ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
Matapos ang matagumpay ng resupply mission, nagsumite ang WESCOM ng ulat sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) sa presenya ng Chinese vessels sa Kalayaan Island Group.
Matatandaang noong Disyembre 2021, iginiit ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal. RNT/SA