Sotto, sinurpresa ng drug test ang mga empleyado ng Senado

Sotto, sinurpresa ng drug test ang mga empleyado ng Senado

July 30, 2018 @ 9:21 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III ang surpresang pagsasagawa ng mandatory drug test para sa mga empleyado ng Senado sa flag raising ceremony ngayong Lunes (July 30).

“I have been informed that as part of the Senate’s commitment to a drug-free environment and workplace, pursuant to our revised policy and guidelines, there will be a random mandatory drug testing to be conducted today (Monday, July 30),” sabi ni Sotto.

Sinabi rin ng pangulo ng Senado na siya mismo ang mauuna sa drug test.

“To show my support to the mandatory drug test, I have decided to undergo drug-testing myself today. I will be the first in line,” sabi pa ni Sotto.

Bukod pa rito, inanunsiyo rin ni Sotto sa flag raising ceremony ang pamimigay ng P5,000 grocery at transport allowance sa lahat ng empleyado ng Senado. Remate News Team