Sotto: trabaho lang, ‘walang paki’ sa rating ng Senado

Sotto: trabaho lang, ‘walang paki’ sa rating ng Senado

July 30, 2018 @ 1:38 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi nababahala si Senate President Vicente Sotto III sa pagbagsak ng satisfaction rating ng Senado, ngunit tiniyak niyang pag-iibayuhin nila ang kanilang trabaho upang manatili ang pagtitiwala ng publiko.

Sa panayam, sinabi ni Sotto na “baka nagkataon lamang nang isagawa ang survey ay kasalukuyang nagdedebate ang Senado sa panukalang Bangsamoro Organic Law.”

“A lot of people were awaiting that, medyo natagalan sa amin, and there were other pending matters in the Senate na hindi kaagad naakysunan sapagkat mahaba ang mga debate at marami pang mga tanong,” aniya.

“So siguro natapat sa mga panahon na iyon, hindi naman nakapagtatakang mag- ‘roller coaster’ ang mga survey eh, minsan umaakyat yan minsan bumababa yan,” dagdag ng senador.

Umaasa naman si Sotto na mananatili ang pagtitiwala ng taumbayan sa Senado at gagawin nila ang kanilang upang muling tumaas ang satisfaction rating sa Mataas ng Kapulungan.

“We hope that the trust and confidence of our countrymen will be better in the months to come as far as the Senate is concerned,” giit niya.

Tiniyak niya na gagawin nila ang kanilang trabaho nang mabuti, sisipagan pa, upang mas maraming maaksiyunan na panukalang batas, hindi lamang bills ng mga senador, kundi maging local bills na galing sa House of Representatives.

“That’s why, that is the reason why we are planning na in case magipit ang oras namin because of the very short period of time allotted to us before the period of filing of certificate of candidacy and before the campaign period, we are contemplating on calling a session on every Thursday morning,’ aniya.

“Pero ang agreement na nareach sa all-senators caucus namin, kapag kinailangan na. Hindi naman sila hindi pumapayag ano pero kapag kailangan na,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Sotto na kapag naapektuhan na sila ng local bills sa pagtalakay ng national bills, saka lamang sila magkakaroon ng sesyon tuwing Huwebes na pinagkasunduan sa all-senators’ caucus kamakailan.

“Kapag yung mga local bills nakaka-distract na from the national bills ng Mondays, Tuesdays and Wednesdays then we will confine all local bills on Thursdays,” aniya. Ernie Reyes