Sotto, Velasco nagpulong sa nakabinbing legislative measures, SONA ni PRRD

Sotto, Velasco nagpulong sa nakabinbing legislative measures, SONA ni PRRD

June 1, 2021 @ 3:55 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nagpulong sina Senate President Vicente Sotto III at Speaker Lord Allan Velasco upang pag-usapan ang mga nakabinbing batas sa Kongreso at ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa Hulyo.

Prayoridad ng Kamara na ipasa ang Bayanihan 3 at ang pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon.

Ngunit sinabi ni Sotto na hindi prayoridad ng Senado ang nasabing mga batas.

Pinag-usapan din ng dalawang lider ang posibleng kaganapan sa SONA ni Duterte sa Hulyo.

Una nang sinabi ni Velasco na maaaring parehas ang setup ng SONA ngayong taon sa nakaraang taon dahil sa pandemya. RNT/ELM