South Korea, aprubado sa pag-excempt sa BTS sa military service!

South Korea, aprubado sa pag-excempt sa BTS sa military service!

September 20, 2022 @ 4:41 PM 2 weeks ago


Seoul, South Korea – Nagsalita na ang mga ARMY ng BTS sa South Korea dahil ayon sa isang opinion survey, 60.9 percent ng public ay approved sa revisions ng batas on mandatory military service na mag-a-allow sa mga celebrities gaya ng BTS to avoid being drafted.

Ang results ng survey na kinomisyon ng South Korean polling company Realmeter by the National Assembly’s National Defense Committee, ay pwedeng makaapekto sa debate sa issue lalo’t ang Defense Ministry ay nagdadalawang-isip na baguhin ang batas.

Sa ngayon kasi, ang exempted lang sa military service sa South Korea ay ang elite athletes at winners ng mga artistic competitions.

Pinu-push naman ng ibang lawmakers na i-extendin ang exemptions sa field of pop culture.

FYI, ang oldest member ng BTS ay si Jin who will turn 30 at the end of this year. He will start his mandatory service under the current law. Joey Sarmiento