South Korea naglaan ng ₱139M para sa pagtatayo ng ‘smart greenhouses’ sa Pinas  

South Korea naglaan ng ₱139M para sa pagtatayo ng ‘smart greenhouses’ sa Pinas  

December 5, 2020 @ 11:43 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglaan ang South Korea ng ₩3.15 billion o tinatayang nasa 139 milyong piso para sa pagpapagawa ng 21 ‘smart greenhouses’ bilang bahagi ng pagpapaganda ng local vegetable production sa pamamagitan ng moderno at sustainable technology.

Sa pahayag, sinabi ng Department of Agriculture na itatayo ito sa Iloilo City at  Bukidnon na pinondohan ng South Korea’s Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs sa pamamagitan ng Korea Agency of Education, Promotion and Information Service in Food, Agriculture, Forestry and Fisheries hanggang 2024.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na magtatayo ng 11 smart greenhouses sa Northern Mindanao Agricultural Crops and Livestock Research Complex sa Bukidnon para sa propagasyon ng strawberries, potatoes, at cherry tomatoes.

Gayundin ay 10 pang pasilidad sa Western Visayas Integrated Agricultural Research Center sa Iloilo City para sa mushrooms at cherry tomatoes. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...