Southbound exit ng Ciudad de Victoria, sarado hanggang 2023 – NLEX

Southbound exit ng Ciudad de Victoria, sarado hanggang 2023 – NLEX

November 2, 2022 @ 10:02 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng NLEX Corporation nitong Martes, Nobyembre 1 na isasara muna nila ang southbound exit ng Ciudad de Victoria patungong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang pagsasara ay nagsimula ngayong araw, Nobyembre 2 at magtatagal hanggang Marso 2023.

Ito ay upang bigyang daan ang pagsasaayos ng kalsada at iba pang roadworks.

“Please be advised that the Ciudad de Victoria southbound exit in Philippine Arena will be temporarily closed from November 2, 2022 until March 2023 to give way to improvement works,” ayon sa pahayag ng NLEX.

Maglalagay naman ang pamunuan ng traffic teams upang umalalay sa mga motorista.

Dagdag pa rito, maglalagay din ng mga karagdagang directional signs sa mga lugar malapit sa isasarang rampa. RNT/JGC