SpaceX, target magbigay-serbisyo sa Q4 ng 2022

SpaceX, target magbigay-serbisyo sa Q4 ng 2022

July 30, 2022 @ 10:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Target ng American technology provider SpaceX Corp. na simulan ang kanilang operasyon o ang internet services sa Pilipinas sa huling quarter ng 2022.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary John Ivan Uy na nakipagkita na sila sa mga kinatawan ng Elon Musk-owned firm habang inihahanda ng mga ito ang kanilang “first operations center” sa Southeast Asia sa Pilipinas.

“The SpaceX representatives gave us an indication they will be open for business by last quarter of this year. They could provide very extensive coverage by next year,” ayon kay Uy.

Nananatili aniyang matatag ang commitment ng SpaceX na mag-provide ng satellite technology sa mga remote areas sa bansa.

Inmin ni Uy na ang internet services mula satellite technology – na iniaalok ng SpaceX – ay mas expensive o mahal kumpara sa fiber optic connectivity na ginamit ng local providers.

“But if we’re talking about deploying them in the remote areas, the bandwidth and the costs compared to similar technologies in the past using satellites, this is much cheaper and faster and have more efficient technology,” ayon kay Uy.

Aniya pa, plano ng DICT na mag- deploy ng satellite broadband services na iaalok ng that SpaceX sa “shared communities” gaya ng eskuwelahan at barangay centers. Kris Jose