Spain at Portugal, pasok na sa last 16!

Spain at Portugal, pasok na sa last 16!

June 26, 2018 @ 8:35 AM 4 years ago


FIFA – Lumaban sila hanggang sa huli.

Iyan ang iuuwing pride ng Morocco kahit na hindi na sila uusad pa sa last 16 ng FIFA World Cup 2018.

Itinuturing pa rin ng koponan ng Morocco na isang malaking pagkakataon ang makapaglaro sa FIFA World at hindi maikakaila na marami pang improvements ang kanilang kailangang gawin.

Nagtapos kasi ang laban ng ranked 41 na Morocco at ranked 10 Spain sa 2-2 draw.

Pasok na sa last 16 ang Spain at Portugal habang nasa huling puwesto ang Morocco na mayroong 1 point lamang.

Samantala, draw rin ang nangyari sa makasaysayang laro ng Portugal at Iran nang tapusin nila ito sa tablang 1-1.

Naging makasaysayan ang laro dahil sa 19 penalties nito sa World Cup bago na nahigitan pa ang 18 penalties ng Japat at South Korea noong 2002.

Dahil dito, foul si Cristiano Ronaldo pero hindi na nito nagawa pang papasukin ang kanyang penalty kick matapos itong salagin ni Iran goal keeper Alireza Beirandvand. (Remate News Team)