Spam texts alisin na – solon

Spam texts alisin na – solon

August 2, 2022 @ 9:06 AM 7 days ago


MANILA, Philippines- Sawa ka na ba sa natatanggap na spam messages sa iyong cellphones? Maari lamang itong mangyari sa oras na maisabatas ang panukala ni Tarlac Rep Christian Yap sa House of Representatives.

Sa House Bill 270 ni Yap o “No Call, No Text, and No E-mail Registration System Act” ay magkakaroon na ng protective measure sa lahat ng mobile phone subscribers at e-mail users laban sa mga unwanted calls, text messages at e-mails.

“It prohibits and penalizes unsolicited commercial or promotional advertisements without the prior consent of the receiver, promoting fair, responsible and less intrusive marketing practices,” ani Yap.

Ayon kay Yap minabuti nyang maghain ng ganitong panukala dahil na rin sa nakakaalarma nang pagtaas ng suspicious texts, calls at  emails na ang ilan ay intensyon ay makapambiktima.

“Often, these spam messages are utilized by scammers to defraud mobile subscribers or e-mail users by offering jobs, prizes or discounts. According to a recent Global Consumer Pulse study, 44 percent of Philippine-based consumers have been targeted by digital fraud in the first three months of 2021 alone,” ani Yap.

Sa ilalim ng panukala ay mageestablisa ng No Call, No Text and No E-mail Registries sa National Privacy Commission (NPC) kung saan ililista ang mga subscribers na ayaw makatanggap ng ganitong mga mensahe.

“The proposal entails the creation of a database called ‘No Call, No Text, and No E-mail Registers’ in which users can register their numbers to be exempt from receiving any spam messages upon presentation of a government identification and proof of exclusive ownership over a particular telephone number or email address, and upon payment of a fee as determined by the privacy commission”nakasaad sa panukala.

Sinabi ni Yap na kailangan na magkaroon ng  batas laban sa spam messages upang maging accountable din ang mga  marketing at sales agents at hindi lamang basta nagpapadala ng mensahe sa kung kanino. Gail Mendoza