Spanish football star sinaksak sa supermarket sa Italy

Spanish football star sinaksak sa supermarket sa Italy

October 28, 2022 @ 4:01 PM 1 month ago


ITALY – Nagtamo ng saksak sa likod ang Spanish football player ng Monza na si Pablo Mari kasama ang lima pang tao sa isang shopping mall sa bayan ng Assago sa labas ng Milan, sinabi ng Carabinieri police ng Italy.

Nakakulong ang isang 46-anyos na suspek ngunit hindi malinaw ang motibo sa pag-atake sa isang supermarket.

Sinabi ng pulisya ng Carabinieri na isang tao ang namatay, isang 47 taong gulang na Bolivian national na nagtatrabaho sa supermarket. Isa pang empleyado ang nasugatan kasama ang apat na customer, kabilang si Mari na sinabi ng ahente na hindi malubha ang kanyang mga pinsala.

Sinabi ng Chief Executive ng Monza na si Adriano Galliani  na: “Si Pablo Mari ay may medyo malalim na sugat sa kanyang likod, na sa kabutihang palad ay hindi nahawakan ang kanyang mahahalagang bahagi ng katawan tulad ng mga baga o iba pa. Hindi nanganganib ang buhay niya, dapat mabilis siyang gumaling.”

Ang 29-taong-gulang na center-back ay pinahiram sa Serie A club sa Monza mula sa Premier League club na Arsenal, na nagsabi sa isang pahayag: “Nakipag-ugnayan kami sa ahente ni Pablo na nagsabi sa amin na siya ay nasa ospital at hindi seryosong nasaktan. .”JC