Surge sa COVID sa NCR ‘di pa tapos – OCTA

August 18, 2022 @2:30 PM
Views:
5
MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagbaba o downward trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, hindi umano ito nangangahulugan na tapos na ang surge.
Ito ang paglilinaw ng independent pandemic monitor na OCTA Research sa kanilang statement ngayong araw, Agosto 18.
Ayon kay OCTA research fellow Guido David, nasa downward trend na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa growth rate nitong -9%, reproduction number na 1.03 at 7-day positivity rate na 15.7%.
Ang ADAR naman o average daily attack rate ay nasa 8.14 samantala ang healthcare utilization rate ay nasa 37%.
Dagdag ni David, kung mananatili sa downward trend ay posibleng mas mababa na sa 500 kaso ng COVID-19 kada araw ang maitatala hanggang sa katapusan ng buwan o unang linggo ng Setyembre.
Sa kabila nito, nagsisimula lamang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit ngunit hindi pa maaaring sabihin na tapos na umano ang surge sa Metro Manila. RNT
Dinukot na delivery rider sa Batangas bangkay nang natagpuan sa Quezon

August 18, 2022 @2:16 PM
Views:
18
SARIAYA, Quezon – Bangkay nang natagpuan sa probinsya ng Quezon ang delivery rider na dinukot ng armadong kalalakihan sa isang gasolinahan sa Taal, Batangas.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eugene Cabello, residente ng Taal, Batangas kung saan natagpuan ang wala nang buhay nitong katawan sa Eco-Tourism Road, Sitio Pontor Barangay Bignay, Sariaya, Quezon ngayong araw, Agosto 18.
Ayon kay Police Lt. Col. William Angway, hepe ng Sariaya Police, may tama ng bala sa ulo at likod si Cabello.
Maliban dito ay itinali rin umano ang mga kamay nito at binalutan pa ng packing tape ang mukha.
Matatandaan na nag-viral pa sa social media ang video ng aktwal na pandurukot sa delivery rider habang nasa gasolinahan at kagyat na isinakay sa isang van.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente. RNT
Naaagnas na katawan ng retiradong Dean ng isang Kolehiyo, natagpuan sa Nueva Ecija

August 18, 2022 @2:15 PM
Views:
14
SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Isang naagnas na bangkay ng isang lola ang natagpuan sa loob ng isang sasakyan matapos na di-umanoy mapaslang ng menor-de-edad na apo kamakailan.
Sa imbestigasyon ng pulisya at base na rin sa testimonya di-umano ng suspek na menor, na nangyari umano ang nasabing krimen noong Hulyo 20, 2022.
Umamin umano ito sa krimen matapos matagpuan ang naaagnas na bangkay ng kanyang 68-anyos na lola nito lamang Agosto 14, 2022 ganap na alas-9:00 ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Virginia Del Rosario y De Ocampo, residente ng Barangay Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija at natagpuan ito sa compartment trunk ng pag-aari nitong kulay gray na Nissan Xtrail SUV na may plate number RDV 596 na nakaparada sa madamong bakuran ng bahay nito.
Ayon sa pulisya, na isinailalim na sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang binatilyo. Elsa Navallo
Mga alkalde sa NCR nanindigan sa desisyon sa NCAP

August 18, 2022 @2:04 PM
Views:
19
MANILA, Philippines – Nanindigan ang mga alkalde ng Metro Manila sa kanilang desisyon ng implementasyon ng no contact apprehension program o NCAP.
Ito ay sa kabila ng petisyon para sa TRO o temporary restraining order na inihain sa Korte Suprema.
Sa isang joint statement nitong Miyerkules, Agosto 17, nangako ang mga alkalde sa NCR na patuloy nilang aayusin ang infrastructure at road conditions para sa kaligtasan ng mga nasasakupan.
“We, the undersigned Local Chief Executives, have joined together on a common stance to continue the implementation of NCAP within our respective territorial jurisdictions,” ayon sa mga alkalde.
Dagdag pa nila, ang NCAP ay hindi umano pambabalewala sa due process ng mga motorista dahil maaari naman umanong dumulog ang mga ito sa traffic adjudication boards ng bawat local government units kung may mali sa naturang violation.
“We, therefore, collectively urge all relevant government agencies stand with us in pursuing and continuously innovating this international-proven program for effective traffic management,” anila.
Ang inilabas na joint statement ay pirmado ng mga alkalde sa Metro Manila katulad na lamang nina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Parañaque City Mayor Eric Olivarez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Manila Mayor Maria Sheila Lacuna, at San Juan City Mayor Francis Zamora. RNT
4 tiklo sa P748K na shabu sa Valenzuela

August 18, 2022 @1:53 PM
Views:
26