Speaker: Media ‘di kaaway; partner sa nation-building

Speaker: Media ‘di kaaway; partner sa nation-building

August 11, 2022 @ 9:41 AM 2 months ago


Manila, Philippines – “Hindi kaaway kundi partner sa nation-building.”

Ganito ang pagtuturing ni House Speaker Martin Romualdez ng Leyte sa kaniyang talumpati sa isang pagpupulong sa United Print and Multimedia Group (UPMG) kasabay ng panunumpa ng mga opisyal nito.

“From day one in government, I have considered the Philippine media not as an adversary but a partner in nation-building. Some say we in government should be wary of journalists as the media usually focus on the negatives rather than report the positive. They say good news don’t make headlines. My experience with Filipino journalists debunks this myth,”ani Romualdez.

Paliwanag pa ng mambabatas na marami na siyang naka-enkuwentro at nakasalamuhang disente at responsableng mamamahayag na nag-uulat lamang ng mga isyu na dapat makarating sa publiko at hindi rin niya itinuturing na negatibo kung siya man ay tirahin din ng media.

“They are nosy, yes, but they are just doing their job. And they are helping us do our job, too. With their help, we galvanize popular support for measures that are needed to uplift the living condition of our people,” dagdag pa ni Romualdez, na siyang nagmamay-ari sa Journal Group of Publications.

Sinabi pa ng kongresista na mas pinipili niyang magpaliwanag sa publiko upang mabigyang linaw ang isyu.

“Rather than being offended, I take them as an opportunity to explain my side to the public and expound on the issues involved. Media reports, be it positive or negative, give us, government officials, relevant and timely feedback from the public with regard to our official acts.”

Nanawagan pa si Speaker Romualdez sa UPMG at sa media na magpatuloy sa pagbibigay espasyo sa mga polisiya na ipinatutupad ng gobyerno upang matiyak na maipararating sa publiko ang mensahe ng administrasyon.

Paglilinaw pa ng kongresista na “the media industry is called the Fourth Estate for a purpose. It is incumbent upon you to provide public service like what we do in the executive, legislative and judicial branches.”

Kabilang sa mga opisyal ng UPMG sina Manila Bulletin external affairs at HR development head Barbie Atienza bilang president; PhilStar group sales at marketing director Jay Sarmiento bilang vice president; Adobo magazine president at editor-in-chief Angel Guerrero bilang secretary; Chinese Commercial News credit at collection manager Sherly Baula bilang treasurer; Manila Times VP for sales at marketing Roda Alonzo-Zabat bilang auditor; at Philippine Daily Inquirer AVP/key relationship manager Jong Arcano bilang PRO. Meliza Maluntag