Speakership bid ni Romualdez sa 19th Congress suportado ng solon

Speakership bid ni Romualdez sa 19th Congress suportado ng solon

July 24, 2022 @ 12:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales, Jr. nitong Linggo na suportado niya ang pagnanais ni Leyte Representative Martin Romualdez na maging Speaker sa 19th Congress.

Inihayag ni Gonzales na karapat-dapat si Romualdez na mamuno sa Kamara dahil nagawa niyang hasain ang kanyang “skills as a politician and parliamentarian through years of experience.”

“Those skills will come in handy as our new Speaker shepherds the House in support of the legislative and unity agenda of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,” sabi ng dating deputy speaker.

“We will elect him as our Speaker. He has the full support of our party, PDP-Laban, and almost all political groups in the House led by his own Lakas-CMD, which he heads as president,” dagdag niya.

Si Romualdez, pinsan ni Marcos, ay presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Inihayag din ni Gonzales na inaasahan niyang maihahalal si National Unity Party (NUP) spokesman Reginald Velasco bilang House secretary general.

Parehong inendorso ng NUP at ni dating Pangulo at Lakas-CMD chair emeritus Gloria Macapagal-Arroyo si Romualdez bilang susunod na Speaker. RNT/SA