Special children’s education walang pondo sa 2023 budget

Special children’s education walang pondo sa 2023 budget

September 15, 2022 @ 2:04 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Education na walang pondo sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP) ang Special children’s education.

Sa pagtatanong ni Albay Rep. Edcel Lagman sa House budget briefing ukol sa pondo para sa edukasyon ng mga special children, sinabi ni DepEd Undersecretary Ernesto Gaviola na wala itong pondo para sa susunud na taon dahil hindi ito nabigyan ng alokasyon ng Department of Budget and Management.

“We requested P560 million for 2023 but in NEP it’s zero budget. DepEd’s programs to educate learners with disabilities (LWDs) received no funds and are thus utilizing whatever is available funds for 2022,” paliwanag ni Gaviola.

Ang special children ay ang mga estudyante na nangangailangan ng special attention at special necessities kung ikukumpara sa ibang mga bata.

Umaasa si Lagman na bibigyang atensyon ng Kamara ang kawalan ng budget para sa LWDs sa harap na rin ng dumarami ang bilang ng mga special children sa bansa. Gail Mendoza