Special election para sa 7th District Representative ng Kabite, umarangkada

Special election para sa 7th District Representative ng Kabite, umarangkada

February 25, 2023 @ 12:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umarangkada ngayong Sabado ang eleksyon para sa hahalili sa nabakanteng posisyon ni dating Congressman at ngayo’y Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa ika-7 distrito ng Cavite.

Ito ay kasunod ng pagtatalaga kayRemulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).Ā 

Boboto sa nasabing halalan ang mga residente ng Trece Martires, Amadeo, Indang at Tanza.

Naging maayos ang sa ginawang pagsusuri ng Commission on Elections (Comelec) nitong mga nakaraang araw, lahat ng vote counting machines (VCM).

Ikinasa naman ang liquor ban sa distrito hanggang ngayong Sabado.

Base kay Cavite election supervisor Atty. Nico Castro, wala pang naiuulat na ‘di kanais-nais na mga pangyayari na may kaugnayan sa halalan.

Kabilang sa mga kumakandidato para sa nabakanteng posisyon ang anak ni Remulla na si Ping Remulla, dating Trece Martires mayor Jun Sagun, Jose Angelito Aguinaldo at Michael Angelo Santos.Ā 

Isasagawa ang pagbibilang at canvassing ng mga boto ay sa pamamagitan ng automated election systems via VCM, batay sa Comelec.

Samantala, mag-iinspeksyon si Comelec chair George Erwin GarciaĀ at iba pang Commissioners sa ilang mga polling precint upang masiguro na maayos ang isinasagawang special election sa ika-7 distrito ng Cavite.

Nakapagtala ng pinakamaraming botante sa Daang Amaya Elementary School pooling precint na umabot ng 12,000 botante.

Nanguna rin si Garcia sa pagboto sa Banaba Elementary School Indang, Cavite kung saan siya residente bago nagtungo sa Daang Amaya Elementantary School upang obserbahan ang nasabing eleksiyon.

Huli nitong inispeksiyon ang Cavite Provincial Jail kung saan 120 na mga inmates ang botante.

Mababa naman ang turn-out ng botante na 12.8 porsyento lamang sa kabuuan habang isinusulat ang balitang ito kung saan sa Amadeo ay may 25.24 percent; Trece Martires City (13 percent); Indang (15.9 percent) at Tanza (9.75 percent). Jocelyn Tabangcura-Domenden