Special election sa ika-7 distrito ng Kabite target ikasa pagpasok ng 2023

Special election sa ika-7 distrito ng Kabite target ikasa pagpasok ng 2023

September 20, 2022 @ 1:20 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Target ng Commission on Elections (Comelec) na isagawa ang special elections sa 7th Congressional District sa Cavite upang punan ang dating pwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pagsisimula ng 2023, ayon kay Comelec Chairman George Garcia nitong Martes.

“We are hoping to hold that in the early part of next year and of course we are going to spend money as regards to the conduct of this election,” sabi ni Garcia.

Binanggit niya na umapela siya sa Kamara na pansamantalang itigil ang pagpasa sa mga panukala na mangangailangan ng plebisito dahil makaaapekto umano ito sa paghahanda para sa 2025 midterm polls.

“We’re hoping that in the meantime, there should be a pause for the creation of provinces, naming of the barangays, because the Comelec is preparing for not only the barangay and SK elections but likewise for the very big election of 2025,” sabi ni Garcia.

Ini-adopt ng Kamara noong Hulyo ang resolusyon na nananawagan sa Comelec na magsagawa ng special election sa ika-pitong distrito ng Cavite matapos na italaga si Remulla, elected congressman sa lokalidad, bilang Justice secretary.

Inihayag ng Comelec nitong Agosto na hinihintay pa nito ang opisyal na komunikasyon mula sa Kamara bago maghanda para sa special polls sa nasabing distrito.

Sa pagsasagawa ng special election, nauna nang sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na magkakasa ang poll body ng timelines para sa mga aktibidad, kagaya ng ginagawa tuwing regular elections, kagaya ng paghahain ng certificate of candidacies ay maikling campaign period. RNT/SA