‘Special election’ sa Shanghai, posible – Comelec

‘Special election’ sa Shanghai, posible – Comelec

May 2, 2022 @ 8:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng magsagawa ng special elections para sa mga overseas Filipino voters sa Shanghai, China kasunod ng ipinatupad na lockdown sa lungsod bunsod ng COVID-19 surge.

“If na-lift yun (lockdown) after the elections, we are justified mag-conduct ng special elections to those areas na nagkaroon ng suspension,” ani Comelec commissioner Marlon Casquejo.

Nabatid na mayroong 1,900 registered voters sa Shanghai.

Sa kabilang dako, sinabi ni Casquejo na malabo nang palawigin pa ng poll body ang overseas voting sa Canada kahit na na-delay ang deployment ng mga balota.

“Sa pagkaalam ko ay lahat na po ng balota ay napadala na kasi voting by mail po yung Canada, so lahat po naipadala, so meaning aabot din tayo sa election day.”

“With regards to the extension baka mahirapan tayo to grant the request or justify the request because the election is based on the Constitution. Hindi po tayo puwede mag-extend,” dagdag niya. RNT/ JCM