Special elections sa ika-7 distrito ng Kabite kasado sa Feb. 25

Special elections sa ika-7 distrito ng Kabite kasado sa Feb. 25

November 29, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinakda sa Pebrero 25,2023 ang special elections sa ika-pitong distrito ng Cavite upang punan ang nabakanteng puwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesman Rex Laudiangco, automated elections ang gagamitin at handa ang poll body na mag-imprenta ng balota na automated.

Gagamit din aniya ng vote-counting machines sa nasabing botohan.

Ayon kay Laudiangco, ang mga kandidato ay maari nang maghain ng kanilang certificate of candidacy sa Disyembre 5.

Samantala, ang plebisito na magdedesisyon kung ang munisipalidad ng Baliuag, Bulacan ay gagawing component city ay gaganapin mula Disyembre 17, 2022 hanggang Disyembre 24, 2022.

Inanaunsyo rin ni Laudinagco na ang voter registration ay magpapatuloy sa Disyembre 12, 2022 at magtatagal hanggang Enero 31, 2023.

Sa Disyembre 9, 2022 naman magsisimula ang overseas voter registration habang ang overseas voting ay isasagawa simula Abril 30, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden