Special holiday idineklara sa BARMM sa Nob. 7

Special holiday idineklara sa BARMM sa Nob. 7

November 4, 2022 @ 8:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng Bangsamoro autonomous government ang special public holiday sa buong rehiyon sa Nobyembre 7 bilang paggunita ng Sheikh Karimul Makhdum Day.

“Chief Minister Ahod B. Ebrahim declares November 7 (Monday) a Special Public Holiday throughout the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) in observance of Sheikh Karimul Makhdum Day,” ayon sa kalatas ng BARMM nitong Huwebes, Nobyembre 4.

Ang naturang holiday ay bilang paggunita sa pagkakatatag ng Islam sa bansa nang lumapag sa isla ng Simunul, Tawi-Tawi ang grupo ng mga Arabong misyonero na pinamumunuan ni Makhdum.

Sa Tawi-Tawi rin naitayo ang kauna-unahang mosque sa bansa, at nagsisilbing religious landmark ang Sheikh Karimul Makhdum sa nakatayo sa loob ng 600 taon.

Malapit sa mosque nakalibing ang katawan ni Makhdum.

Samantala, ang Nobyembre 7 ay idineklarang Sheikh Karimul Makhdum Day sa ilalim ng Muslim Mindanao Act No. 17 of 1991 at Executive Order No. 40 na may petsang Nobyembre 4, 1991. RNT/JGC