Special meeting sa ‘Ukraine-Russia war’ ipinatawag ni Duterte

Special meeting sa ‘Ukraine-Russia war’ ipinatawag ni Duterte

March 1, 2022 @ 10:28 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng  isang special meeting  ngayong araw ng Martes, Marso1 para pag-usapan ang nagaganap na sigalot sa Ukraine at Russia,

Maliban sa pulis at militar, kasama din sa ipinatawag ng Punong Ehekutibo sa pulong ngayong araw ang mga negosyante.

Giit ng Chief Executive sa publiko na importanteng malaman ng lahat kung ano ang tunay na sitwasyon.

Kaugnay nito, ay itinalaga ng Pangulo si Acting Presidential spokesperson Karlo Nograles para siya ring maging tagapag-salita at siyang magbigay ng impormasyong na may kaugnayan sa gagawing meeting ngayong araw.

Binuksan naman ni Pangulong Duterte ang imbitasyon sa lahat ng miyembro ng gabinete. Kris Jose