Special non-working day idineklara ni PBBM bukas, Pebrero 24

Special non-working day idineklara ni PBBM bukas, Pebrero 24

February 23, 2023 @ 7:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang special non-working day bukas, Pebrero 24, araw ng Biyernes.

Sa ilalim ng Proclamation No. 167, inanunsyo ang special non-working day kasabay ng paggunita ng anibersaryo ng EDSA People Power na tumapat naman sa Sabado, Pebrero 25.

Inatasan naman ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kaukulang circular sa pagpapatupad ng naturang proklamasyon para sa pribadong sektor ng mga manggagawa. RNT/JGC