Special non-working day idineklara sa Masbate sa Marso 18

Special non-working day idineklara sa Masbate sa Marso 18

March 17, 2023 @ 7:43 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng Malacañang ang Marso 18 bilang special non-working day para sa probinsya ng Masbate sa pagdiriwang nito ng ika-122 founding anniversary.

Ang holiday declaration ay pirmado noong Pebrero 23 ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Inilathala naman sa social media ang kopya ng proklamasyon nitong Miyerkules, Marso 15.

“It is but fitting and proper that the people of the Province of Masbate be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies,” saad sa Proclamation No. 163.

Sa ilalim ng Philippine Commission Act 105, opisyal na idineklara ang pagkakatatag sa Masbate bilang isang probinsya noong Marso 18, 1901 kung saan si Bonifacio Serrano ang kauna-unahan nitong civil governor. RNT/JGC