Special non-working holiday sa Maynila sa inaurasyon ni PBBM – yorme

Special non-working holiday sa Maynila sa inaurasyon ni PBBM – yorme

June 24, 2022 @ 11:25 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na “special non-working holiday” ang Hunyo 30, 2022 sa nasabing lungsod kasabay ng panunumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa ni Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr.

Batay sa Executive Order No. 53 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layon nito na mabigyan ng kaligtasan, seguridad at proteksyon ang mga dadalo sa makasaysayang inagurasyon ni Marcos Jr. bilang chief executive ng bansa na gaganapin sa National Museum of the Philippines na matatagpuan sa Padre Burgos Avenue, Ermita, Maynila.

“To ensure the safety, security, and protection of participants to this momentous event, the City Government of Manila, in coordination with the concerned agencies of the national government, has to close various thoroughfare in and around the perimeter of the inaugural venue which will undeniably affect the flow of traffic of both motorists and the riding public,” saad sa kautusan.

Inatasan na din ni Domagoso ang Manila Police District gayundin ang lahat ng barangay officials at law enforcement officers na mahigpit na ipatupad ang mga hakbang upoang mapanatili ang “peace and order” sa lungsod partikular na sa lugar kung saan gaganapin ang makasaysayang kaganapan sa Maynila. JAY Reyes