Special panel of prosecutors sa Degamo slay pinabubuo ni PBBM

Special panel of prosecutors sa Degamo slay pinabubuo ni PBBM

March 15, 2023 @ 10:16 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng “special panel of prosecutors” na titingin sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ang kautusan na ito ni Pangulong Marcos ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay matapos ang kanyang pakikipagpulong sa Chief Executive ukol sa situwasyon sa nasabing lalawigan.

“We are now constituting a panel of prosecutors to handle the Negros Oriental cases and that’s the instruction of the president to make sure that a panel that skilled— at this level of skill is already there to evaluate the cases to that no stones will be left unturned,” ani Remulla.

Aniya, napansin ng mga opisyal na may “pattern of impunity” sa Negros Oriental matapos bisitahin ang burol ng pinatay na si Degamo.

Ani Remulla, nais ng Pangulo na maging “stabilized and resolved” ang situwasyon sa Negros.

“So far we have arrived at more persons of interest in the crimes committed. We also discussed crimes that will be charged,” ayon kay Remulla.

Tinitingnan din nila na sampahan ng murder charges ang 9 na katao, 15 frustrated murder charges, at 3 attempted murder charges laban sa mga indibiduwal na responsable sa krimen.

Noong nakaraang linggo, sinalakay ng mga pulis ang mga bahay na pag-aari ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. dahil sa paghahanda ng loose firearms.

Ang pagsalakay ng mga pulis ay matapos na sabihin ng dalawang naarestong suspek na isang “Cong Teves” ang nag-utos sa kanila na targetin si Degamo.

“And of course, we had a briefing about some of the raids conducted and how they proceeded and the weaknesses and strengths of the cases,” ayon sa Kalihim.

“Because that’s what we do. We have to assess every move that we make. We have to make sure that we follow the law every step of the way,” dagdag na pahayag nito.

Nilinaw naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves na walang kaso ang isinasampa pa sa kanyang kliyente na may kaugnayan sa pagpatay kay Degamo.

Sa halip, si Teves ay nahaharap sa reklamo na may kinalaman sa 2019 killings kung saan, siya ang itinuturing mastermind

Sa kasalukuyan, hindi pa nakababalik Ng Pilipinas si Teves, dahil sa security concerns ayon Naman kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa ulat, patay sina Degamo at limang iba pa habang namimigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kaniyang bahay sa Pamplona. Noong Linggo, sinabi ng mga awtoridad na umakyat na sa siyam ang mga nasawi.

Labingtatlo ang sugatan pa sa pag-atake. Kris Jose