Special poll sa Cavite ‘generally peaceful’ – Comelec

Special poll sa Cavite ‘generally peaceful’ – Comelec

February 26, 2023 @ 8:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Wala pang naitala ang mga awtoridad na anumang untoward incident kaugnay ng isinagawang special election sa ika-pitong distrito ng Cavite ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia, sa ngayon batay sa inisyal na assessment ng Philippine National Police (PNP) sa kanila, ay walang nakitang anumang hindi kanais-nais na pangyayari.

Inaasahan naman na ipoproklama ang bagong kinatawan ng 7th District ngayong umaga, ganap na alas-9 o 10.

Wala rin aniyang naiulat na conflict sa apat na kandidato na lumahok sa special polls.

Sakop ng halalan ang lungsod ng Trece Martires, at ang mga munisipalidad ng Amadeo, Indang, at Tanza, na may kabuuang 355,184 na rehistradong botante. Jocelyn Tabangcura-Domenden