Special polls sa 7th district ng Kabite, nakasalalay sa kahihinatnan ng BSKE

Special polls sa 7th district ng Kabite, nakasalalay sa kahihinatnan ng BSKE

September 21, 2022 @ 4:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakadepende sa magiging kapalaran ng Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda sa Disyembre 5 ngayong taon ang espesyal na botohan para sa 7th congressional district ng lalawigan ng Cavite, sinabi ng isang opisyal ng poll body nitong Miyerkules.

Sinabi ni Comelec acting spokerpserson John Rex Laudiangco na tinitignan nila ang dalawang scenario sa pagdaraos ng special polls.

Kung magpapatuloy aniya ang BSKE sa Disyembre, itatakda ang special polls sa Marso 25, 2023.

“If a law was passed postponing the village and youth polls, we are looking into the possibility of setting it this year, perhaps late December 2022 or at the very least, January 2023,” sabi ni Laudiangco.

Noong Martes, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ipagpaliban ang BSKE ngayong taon sa Disyembre 2023.

Samantala,wala pang desisyon ang Senado sa magiging kapalaran ng botohan sa Disyembre 5.

Sa kabilang banda, sinabi ni Laudiangco na naghahanda na sila ngayon ng mga resolusyon sa pagdaraos ng mga special polls sa Cavite dahil naipadala na ang permanent vacancy sa 7th district ng probinsya.

“The budget and the machines to be used are being prepared. We are looking at holding automated polls since it is cheaper and faster. The machines are there, we just have to prepare the program and print the ballots for it,” sabi pa ni Laudiangco sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Laudiangco na maglalabas ang Comelec ng resolusyon sa susunod na linggo tungkol dito.Isang bagay ang tiyak aniya na gaganapin ang espesyal na halalan para sa kinatawan ng 7th District ng Cavite.

Naiwang bakante amng posisyon sa Kongreso matapos tanggapin ni elected Rep.Jesus Crispin Remulla ang nominasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr na maging kalihim ng Department of Justice o DOJ .

Itinalaga naman si Commissioner Marlon Casquejo ng Commission en banc bilang Commissioner-in-Charge for the Cavite special polls. Jocelyn Tabangcura-Domenden