‘Special routine immunization’ sa mga sanggol aarangkada sa Abril-Hunyo – DOH

‘Special routine immunization’ sa mga sanggol aarangkada sa Abril-Hunyo – DOH

April 9, 2022 @ 12:25 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Tinatarget ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang hindi bababa sa 880,000 sanggol sa buong bansa na hindi naturukan ng kanilang routine immunization.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isasagawa ang programa kada huling Huwebes at Biyernes simula Abril hanggang Mayo.

“Itong ating special immunization days for routine vaccines, we are targeting 80 percent of the 1.1 million children zero to 12 months old,” pahayag ni Vergeire nitong Biyernes.

“Atin pong tangkilikin upang matiyak na ligtas ang ating mga chikiting mula sa iba’t-ibang sakit kagaya ng polio, measles, tuberculosis at iba pa,” dagdag pa niya. RNT/SA