Special Vaxx Day umarangkada sa BARMM

Special Vaxx Day umarangkada sa BARMM

July 22, 2022 @ 3:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ng Special Vaccination Day sa Bangsamoro Region ang Department of Health (DOH) sa mga nakatatanda at bata laban sa COVID-19.

Ayon sa DOH, ang mga nabakunahan ay binigyan ng gift packs bilang insentibo na programa ng BARMM.

Sinabi ni Health Officer-in Charge Maria Rosario Vergeire, sa pamamagitan ng nataurang pagsisikap ay ibinibigay natin ang regalo ng kaligtasan at seguridad sa ating mga mahal sa buhay- lalo na ating mga senior citizens,  bata, at mga immunocompromised.

“Let us all be one spirit for the protection of Filipino nation, so that we can finally live safe and comforting lives”.

Sa hiwalay na pahayag,sinabi ni Vergeire na nag-courtesy call ito sa BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.

“We will need your support to provide vaccines to the different settings in the region- our schools, markets, offices, and the community”

Sa datos ng DOH, ipinakikita na 1,584,124 o 51.05 percent ng target populatoon sa BARMM ang ganap nng nabakunahan laban sa COVID-19 hanggang Hulyo 21.

Samantala,163,308 o 5.26 percent ng target population ang nakatanggap.

Sa buong bansa, kabuuang 71,439,759 o 91.47 percent ng target population ang ganap nang nabakunahan,15,797,385 o 20.23 percent ang nakatanggap ng kanilang booster shots, habang 1,146,735 o 1.47 percent ang nakatanggap ng second booster shots. Jocelyn Tabangcura-Domenden