Specialty hospital sa bawat rehiyon itinutulak sa Kamara

Specialty hospital sa bawat rehiyon itinutulak sa Kamara

February 9, 2023 @ 3:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nagsusulong na magkaroon ng specialty hospitals sa bawat rehiyon sa bansa sa hangarin na rin na matiyak na mayroong quality healthcare ang bawat residente.

Sa House Bill 6857 na inihan nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Reps. Jeffrey Soriano at Edvic Yap ay hiniling nitong magkaroon ng specialty hospitals sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Northern Mindanao at Southern Mindanao.

Ani Duterte karamihan sa mga specialty hospitals ay nasa Metro MAnila kaya naman kinakailangan pang lumuwas ang mga nasa probinsya para sa kanilang pagpapasuri na hindi lamang dagdag gastos kundi dagdag pahirap sa mga pasyenteng may sakit.

“Many Filipinos flock to the specialty hospitals located in Metro Manila because they offer quality medical care and treatment that are more affordable than those available in private hospitals. Establishing branches of the Heart Center, the Kidney Institute and other government-run specialty hospitals in strategic areas in the country will help address the widening inequity in healthcare,” paliwanag ni Duterte.

Umaasa si Duterte na aaktuhan ng House Leadership ang nasabing panukala kung saan sa oras a maisabatas ito ay nakapaloob dito na kailangan maipatayo agad sa loob ng 3 taon ang regional branches ng specialty hospitals.

Sa ilallim ng panukala ay makakatanggao din ng tax exemptions ang mga itatayong regional branches gaya ng natatanggap ng mga Metro Manila-based specialty hospitals.

“The national government shall constitute the necessary land, building, equipment and facilities, to the regional branches of the specialty hospital, and shall pay such obligations for real, personal and mixed properties arising from such undertaking under a deferred payment arrangement within five (5) years at a preferred rate of interest,” nakasaad sa panukala.

Sa inisyal na operasyon ng itatayong specialty hospital ay paglalanan ito ng P5B na pondo para sa establishment, operations at maintenance at sa mga susunud na taon, ang budget ay isasama na sa General Appropriations Act.

Nabatid na sa development plan na ginawa ng Departmet of Health para sa Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040 ay isinisulong nito ang pagtatayo ng 328 specialty centers at ospital sa ibat ibang rehiyon sa bansa kaya naman sa oas na maisabatas ang panukala ay mas mapapabilis ang pagpapatupad nito. Gail Mendoza