Spectators posibleng payagan sa Olympics

Spectators posibleng payagan sa Olympics

January 13, 2021 @ 8:35 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

JAPAN – Pinag-aaralan ngayon ng organizers ng Tokyo Olympics kung papayagan nila ang pagpunta ng spectators para mapanood ang laro sa Summer Games.

Isiniwalat ng Japanese government na inaasahang magpapasya sila sa Pebrero o Marso, depende sa magiging resulta ng COVID-19 vaccine kung papayagan ang manonood na makapasok sa venue ng mga laro sa Hulyo.

Matatandaang nagdesisyon ang Japanese government at ang International Olympic Committee na ipagpaliban ang 2020 Olympics at ilipat na lang ito sa Hulyo 2021 dahil sa pandemya.

Nilinaw naman ng organizers na malabo nang makansela ang Games ngayong taon sa kabila nang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Inanunsyo na rin ng Japan na palawigin ang state of emergency upang makontrol ang patuloy na pagdami ng virus.

Wala pa naman umanong desisyon kung papayagan ang manonood sa venues habang patuloy pa rin ang pag-a-apply ng mga ticket holder ng refund.

 “I think we will have to make a very difficult decision around February to March,” ani Tokyo 2020 Organizing Committee President Yoshiro Mori. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...