Sped Learners, grade studes sa Navotas, binigyan ng tablets 

Sped Learners, grade studes sa Navotas, binigyan ng tablets 

July 26, 2022 @ 2:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang lokal na pamahalaan lungsod ng Navotas nang 312 tablets para sa Special Education Learners at 500 na grade 1-12 students sa mga pampublikong paaralan sa Navotas.

Mismong si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang personal na nagabot at nagbigay sa mga bata sa isinagawang ceremonial turnover and distribution ng 312 tablets para sa Learners with Special Educational Needs (LSEN).

Samantala, nagbigay rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng 500 tablets sa grade 1-12 students sa mga pampublikong paaralan sa Navotas.

“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga kabataang Navoteño”, ani Tiangco.

“Sa pamamahagi natin ng mga tablets sa mga estudyante ay malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga magulang upang makatipid at hindi na kakailanganin ng mga estudyante na umarkila o mag-rent ng computers sa computer shop dahil sa panahong ito ay lalo pang tumataas ang mga bilihin at mga bayarin”, dagdag pa ng alkalde. R.A Marquez