Spending ban petition ng Ecija gov inisnab ng Comelec

Spending ban petition ng Ecija gov inisnab ng Comelec

March 25, 2022 @ 11:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang spending ban petition ni Nueva Ecija provincial governor, kasama ang katulad na apela ng dalawang provincial government.

 

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia nitong Huwebes na ang petisyon na inihain ni gobernador Aurelio Umali upang ipagpatuloy  ang kanyang mga proyekto kahit  na nangangampanya siya para sa reelection ay na-deny ng poll body.

“The petition of exclusion of the province of Nueva Ecija, the Comelec denied,” ani Garcia sa  press briefing.

Samantala, kahalintulad na petisyon ng provincial governments ng Bohol at Cebu ay tinanggihan din ayon pa kay Garcia.

Maalalang iniulat na namahagi ng white envelop na naglalaman ng P500 bills  sa mga dumalo sa campaign rally para sa Uniteam standard-bearer at kanyang  running mate, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa  Nueva Ecija.

Nilinaw naman ito ni Umali na ang pera ay ‘ayuda’ para sa mga local residents. Jocelyn Tabangcura-Domenden