‘Spider-Man: No Way Home,’ naka-1B USD sa gitna ng pandemic!

‘Spider-Man: No Way Home,’ naka-1B USD sa gitna ng pandemic!

December 29, 2021 @ 12:05 PM 4 weeks ago


Hollywood, USA – Sa loob nang halos dalawang linggo lang, kumita na sa mga takilya sa buong mundo ng $1 billion ang “Spider-Man: No Way Home” na nagtatampok sa dating child actor na si Tom Holland sa title role.

“It’s the first pandemic-era movie to reach the mark since 2019,” ayon sa mga ulat sa international press.

Nu’ng December 17 lang nagsimulang ipalabas ang pelikula sa Amerika at sa iba pang bahagi ng mundo–pwera sa Pilipinas, dahil sa January 8 ito magsisimulang ipalabas.

The last film to reach the milestone was “Star Wars: The Rise of Skywalker” in December 2019, ayon pa rin sa international press.

At alam n’yo na bang may isang mahabang eksena sa latest Spider-Man na ang dialog ay sa Tagalog?

Eksena ‘yon na kasama ang lola ng best friend ni Peter Parker (na nagiging si Spider-Man na si Ned Leeds na siyang tanging nakaalam sa lihim ni Peter).

Dahil palabas na sa Amerika ang latest Spider-Man, alam na ng mga Fil-Am du’n na may ganu’ng kahabang eksena sa Tagalog na sadyang ‘di-nilagyan ng sub-title sa Ingles. Proud na proud, siyempre pa, ang mga Fil-Am sa mahabang eksenang ‘yon sa wikang Filipino.

Gayunpaman, ‘di pa ibinubunyag kung sino’ng aktor (na siguradong isang Pinay) ang gumanap na lola ni Ned.

Mega-hit pa rin sa Amerika ang pangatlong edisyon na ito ng Spider-Man. Kumita ito ng $260 million nu’ng opening weekend nito sa US.

Ulat pa rin ng international press tungkol sa pelikula: “The movie had the third-biggest worldwide opening of all time, second-biggest domestic [USA] debut of all time and the biggest December opening of all time; all this amidst a pandemic.” Danny Vibas