Spinal surgery ni Pen, tagumpay!

Spinal surgery ni Pen, tagumpay!

July 25, 2022 @ 4:49 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Matagumpay na nairaos ng beteranong aktor na si Pen Medina ang kanyang spinal surgery.

Itinawid niya sa pamamagitan ng kanyang social media account ang kanyang pasasalamat sa mga bumubuo ng kanyang medical team.

Kasama ring pinasalamatan ng beteranong aktor ang mga taong nag-alay ng mga panalangin at nagbigay ng tulong pinansiyal.

Bagama’t successful ang kanyang operasyon, binabantayan ng kanyang mga doktor ang kaakibat na infection nito.

Na-diagnose na may DDD o degenerative disc disease si Pen.

Isa itong age-related na karamdaman.

May tatlong linggo nang nasa ospital si Pen sanhi ng kanyang twisted back.

Hindi makaupo o makatayo ang 71 anyos na aktor dahil dito.

Kasunod nito’y ang panawagan ng anak na si Alex ng tulong para maoperahan ang ama.

Kapos ito sa pera nang hindi makapagtrabaho nang manalasa ang pandemya two years ago.

Pagpipinta raw ang gustong balikan ni Pen kapag gumaling. Ronnie Carrasco III