Sports avenue sa kabataan dagdagan vs droga

Sports avenue sa kabataan dagdagan vs droga

February 8, 2022 @ 7:10 AM 8 months ago


Dapat mabigyan ng ‘platform” ang mga kabataan na mahilig sa sports na mula sa mga pampublikong paaralan sa Maynila.

Ito ang isa sa magandang plano ni Manila mayoralty candidate at Manila District 5 Congressman Amado Bagatsing para sa mga Manilenyong kabataan.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Bagatsing na bagamat mayroon na aniyanng NCWA at UAAP pero wala aniyang sports platform para sa public schools.

Sa pamamagitan aniya nito ay lalo pang mailayo ang mga kabataan sa paggamit ng iligal na droga at iba pang iligal na aktibidad.

Aminado rin ito na ang iligal na droga ay nakalulusot pa rin sa mga coastal boarding area na dapat ay mahigpit itong nababantayan.

Sinabi rin nito na kanyang ipagpapatuloy ang magandang programa na ipinatupad ni Manila mayor isko Moreno Domagoso tulad ng pagbibigay ng allowance sa mga estudyante sa Unibersidad de Manila (UDM) at Pamantasan ng LUungsod ng Maynila (PLM).

Pagdating naman sa mga barangay officials, kailangan aniya na maisulong ang pagkakaroon nila ng benipisyo gaya ng PAG-IBIG dahil sila aniya ay katuwang ng local government units. Jocelyn Tabangcura-Domenden