Spotted: Jennifer Lawrence, may bago nang jowa?

Spotted: Jennifer Lawrence, may bago nang jowa?

June 7, 2018 @ 4:47 PM 4 years ago


Hollywood – May love life na muli ang 27-year-old Oscar winner na si Jennifer Lawrence matapos siyang ilang ulit na mai-spot-an ng mga paparazzi na may ka-date sa New York City.

Napag-alaman na ang kasama niya pala ay ang 33-year-old na art gallerist na si Cooke Maroney.

Bagama’t hindi pa kinukumpirma sa ngayon ng ‘Hunger Games’ star ang estado ng kanilang relasyon, kinilig pa rin ang mga nakakita dahil sa sweetness ng dalawa.

November 2017 pa nang makipag-break si Lawrence sa film director na si Darren Aronofsky at ngayon lang muling nakitang nakikipag-date. (Remate News Team)